ANG KALIKASAN
By: Liryc
Intro:
Mga puno na dati ay kay tatag
Hangin na kaysarap kung malanghap.
Tubig na kay inam languyan
Sa mga ilog at karagatan.
Refrain:
Bakit ngayon ay ganito?
Ang nangyayari sa mundo.
Chorus:
Kumilos tayo! O kaibigan
‘ting mga yaman ay bantayan
Huwag nating hahayaang
Tuluyang masira ang kapaligiran.
Ang pagputol ng mga puno
Sa kagubatan ay tigilan na.
Itim na usok sa hangin ay wakasan
Yamang tubig ay hindi basurahan.
Repeat Refrain
Repeat Chorus
Adlib:
Cyril Francisco Forro (Liryc)
Copyright ©2006 CFForro
All Rights Reserved
Repeat Refrain
Repeat Chorus
Bridge:
Tingnan n’yo ang mga bunga
Ng ating ginagawa,
Maraming buhay ang nawala
Dahil sa kalikasang nasisira.
Repeat Chorus
Coda:
Tuluyang mawasak ang kalikasan…
Tuluyang dumilim ‘ting kinabukasan….
Kalikasa’y bantayan at alagaan…
Ipagtanggol natin ang ating yaman….
LIKAS NA YAMAN
By: Henry, Liryc, Jay2, and Efren
Intro:
Wala ka bang napapansin?
Wala ka bang nararamdaman?
Likas nating kayamanan
Unti-unting nasasayang.
Interlude:
Lupa’t bundok, karagatan
Maging ang kailaliman
Nawawala’t nasisira
Dahil sa ating kapabayaan.
Chorus:
Kaya’t ang likas nating kayamanan
Mahalin at ating alagaan
‘Wag hayaang sirain ng sinuman
Sama-sama nating ipaglaban.
Adlib:
Likas na yaman sa Kanya nagmula
Biyaya Niya sa atin na pinagpala
Sikaping manatili ang kanyang ganda
Bilang ganti natin sa kanya.
Cyril Francisco Forro (Liryc)
Copyright ©2006 CFForro
All Rights Reserved
Repeat Chorus
Repeat Chorus (Move chords one fret higher)
Outro
RAKET
By: Liryc
Intro:
Humihingi ng piso,
Ang lalaking kaharap ko.
Sabi ko ang laki-laki mo,
Ba’t ‘di ka magtrabaho?
Nang siya’y lumisan,
Pumasok sa isipan.
Bakit sila’y ganyan,
Panghihingi lang ang alam.
Chorus:
Kaibigan ko ‘wag kang paloloko,
Sa mga tao sa paligid mo.
Kaibigan ko ‘wag kang pauuto,
Sa manggagantso at nang-aabuso.
‘Pag ‘di ka pauuto,
Sila rin ay matututo.
Na magbanat ng buto,
Para mabuhay sa mundo.
Ang pagtulong,‘di masama
Kung kailangan nila.
Dapat lang mag-ingat ka
Kung nakabubuti ba.
Cyril Francisco Forro (Liryc)
Copyright ©2006 CFForro
All Rights Reserved
Repeat Chorus
Bridge:
Sila rin ay magbabago
Kung tuturuan mo.
Kayraming raket sa mundo
Mag-ingat po tayo.
Adlib
Rerpeat Chorus
Outro: Do intro chords (16x)
IWASAN M0! IWANAN MO!
By: Liryc
Intro:
Ang masasamang bisyo
Ay dapat na iwasan mo
Walang magandang ibubunga
Ang mga ito.
Huwag mong hahayaang
Ika’y malulong
Sa kadiliman
Buhay mo’y hahantong.
Chorus:
Iwasan mo! Iwanan mo!
Alak, droga’t(sugal) sigarilyo
Kaibigan ko, ika’y magbago.
Iwasan mo! Iwanan mo!
Alak, droga’t(sugal) sigarilyo
Upang liwanag ay makikita mo.
Kailan ka pa kikilos?
Kung ika’y isa ng laos
Isipin mo’ng ‘yong bukas
Tahakin ang tamang landas.
Cyril Francisco Forro (Liryc)
Copyright ©2006 CFForro
All Rights Reserved
Di pa huli ang lahat
Para sa ‘yong pagmulat
‘Wag kang padadala
Sa agos na sa’yo ay humihila.
Repeat Chorus
Adlib: Do 1st and 2nd stanza and chorus chords.
Ang masasamang bisyo
Ay dapat na iwasan mo
Walang magandang ibubunga
Ang mga ito. (Pause)
Repeat Chorus
Outro: Do Chorus chords 4x
KABATAAN
By: Liryc
Intro:
Minsan ako’y naglalakad
Sa aking paningin sila’y bumungad
Humuhingi ng kaunting barya
Ako’y dumukot at binigyan sila.
Refrain 1:
Nang sila’y lumisan saka ko naalala
Sinu-sino kaya’ng mga magulang nila?
Bakit sila ay pagala-gala
Ano’ng bukas ang kanilang mapapala?
Chorus:
Kaya dapat nating tandaan
Sila’y ating mahali’t alagaan
‘Di sila mumurahing laruan lamang
Sila’y biyaya ng Makapangyarihan.
Interlude
Nakalimutan ng marami
Mga bata’ng susunod na bayani
Kung sakaling tayo’y mawawala
Anong magiging buhay nila?
Cyril Francisco Forro (Liryc)
Copyright ©2006 CFForro
All Rights Reserved
Refrain 2:
Bakit ‘di natin pag-aralan
Salita’t kilos na bibitiwan?
Isipin muna ng masinsinan
Bago gawin ang isang kapasyahan.
Repeat Chorus
Adlib
Repeat Chorus
Outro
BAYANI
By: liryc
Intro:
Likas na matapang, baya’y ipinaglaban.
Sa mga suwapang, at sa kasamaan.
Refrain 1:
Sila’y nakipaglaban, hindi pansarili lang.
Sila’y may dahilan, prinsipyo’t
paninindigan.
Koro:
Mga bayani ng ating bayan, mga
bayaning ‘di malimutan.
Sa inyo ang aming pagpupugay, ay
tunay at walang humpay.
Sila’y mga modelo, buhay na monumento.
‘Di na maglalaho, magunaw man ‘tong
mundo.
Refrain 2:
Sila’y nakatatak na, sa puso’t sa gawa;
Ng matatanda, nawa’y pati sa mga bata.
Repeat Chorus
Cyril Francisco Forro (Liryc)
Copyright ©2006 CFForro
All Rights Reserved
Bridge:
Tanging hiling ko lang, sila’y ating
tularan
Maging bayani tayo, sa’ting
mumunting paraan.
Adlib
Repeat Chorus
Outro
All Rights Reserved 2008
Cyril Francisco Forro
1 comment:
Ayuz mga songs mo ...sir..ang gaganda...and lht my meaning lalu n ung mga SONGS for Physics b un?ang galing aheheh...
Post a Comment